Pagsusuri at pagpapatibay sa gusali o tirahan laban sa lindol
最終更新日:2017年2月24日
ページID:000034132
Karamihan sa mga gusaling gumuho sa nakaraang Great Hanshin-Awaji Earthquake ay mga gusaling gawa bago itinatag ang bagong earthquake resistance standards (shin-taishin-kijun) sa taong 1981.
Kailangang isagawa ang seismic diagnosis upang maprotektahan ang sariling tirahan laban sa lindol. Sa oras na makumpirmang mahina ang resistensiya ng gusali sa lindol base sa isinagawang pagsusuri, gawin ang mga hakbang upang patibayin ang mga haligi, dingding o pader, pundasyon at iba pa.

Itinataguyod ng siyudad ang “Seismic Diagnosis / Building Reinforcement Assistance, na nagbibigay ng pinansiyal na suporta para sa pagsusuri at pagpapatibay ng mga gusali.
Pagpapatibay sa pagkakalagay ng TV at refrigerator

Madalas makalimutang lagyan ng suporta ang mga electrical appliances tulad ng refrigerator, personal computer, piano at iba pa.
Depende sa manufacturer ng electrical products, may ibinibentang anti-toppling metal brackets at iba pa.
Pakikumpirma sa manufacturer ng produkto.
Sa kaso ng piano, kailangang kumunsulta muna sa technical staff ng piano manufacturer para alamin kung anong anti-toppling devices ang maaaring gamitin upang maiwasang maapektuhan ang musical functions ng piano.

Pagpapatibay sa pader na gawa sa hollow blocks at iba pa
Maaaring sanhi ito ng pagkaluma o may kaso din na walang nakalagay na reinforced steel bar sa loob.
Gawan ng maintenance checkup ang mga pader at patibayin kung kinakailangan.
Gawan ng maintenance checkup ang mga pader at patibayin kung kinakailangan.
Itinataguyod ang pagpapalawak ng greenery concept sa loob ng siyudad, kung saan hinihikayat na tanggalin ang mga blokeng pader o bakod na nakaharap sa daan at magtayo ng mga palumpong (hedge fence) o hilera ng punong-kahoy (tree zones). Sa ilalim ng “Shinjuku Roadside Greenery Assistance”, ipinagkakaloob ang pinansiyal na suporta sa pagpapatayo sa nabanggit na mga bakod pati pagsagot sa bahagi ng gastos sa pagtanggal ng lumang bakod.
Ipinagkakaloob din ang “Block Wall Demolition Assistance”, kung saan maaaring tanggapin ang pinansiyal na suporta kung nais lamang ipatanggal ang bakod.
Pagpapatibay sa mga dalisdis at mga retention walls
May mga dalisdis ba o retention walls sa inyong paligid na maaaring gumuho sa oras na magkaroon ng lindol?
Kailangang mag-ingat ng husto kung may mga dalisdis at iba pa sa sariling lugar.
Makinabang sa “Retention Walls & Cliff Improvement Support Project” ng siyudad.
Kailangang mag-ingat ng husto kung may mga dalisdis at iba pa sa sariling lugar.
Makinabang sa “Retention Walls & Cliff Improvement Support Project” ng siyudad.
本ページに関するお問い合わせ
新宿区 総務部-危機管理課
本ページに関するご意見をお聞かせください
区政についてのご意見・ご質問は、ご意見フォームへ。