Pagpigil sa pagkabuwal, pagkahulog at paggalaw ng mga kasangkapan

最終更新日:2017年2月24日

Ang lakas ng uga sanhi ng paglindol ay kalimitang lampas sa ating inaasahan. Kaya kailangang lagyan ng suporta o anti-toppling devices ang mga kasangkapan upang maiwasan ang pagkabuwal nito.

Sa loob ng siyudad, may mga tindahan o shops para sa anti-toppling devices at libreng pagkabit nito.

Siguruhing may sapat na suporta ang mga kasangkapan upang hindi madaling mabuwal.

Depende sa pagkakalagay ng mga istante ng libro o mga pinggan at kubyertos, may kaso na kung saan hindi sapat ang suporta nito.
Pakitingnan ang sumusunod at piliin ang pamamaraan na nababagay para suportahan ang mga kasangkapan sa loob ng sariling tahanan.

Gamitin ang L-shape metal brackets sa mga dingding at haligi ng tahanan.

Gamitin ang L-shape metal brackets sa mga dingding at haligi ng tahanan.画像
Ito ang karaniwang paraan na bumabagay sa gusali na ginagamit para suportahan ang mga kasangkapan.
May mga bagay din na walang crosspiece, kongkreto at dingding na hindi maaaring lagyan ng suporta para sa kasangkapan.
Kumunsulta sa isang espesyalista sa tindahan ng construction supplies.

Gamitin ang support poles sa pagitan ng kasangkapan at kisame.

Gamitin ang support poles sa pagitan ng kasangkapan at kisame. 画像
Simpleng paraan ng pagkabit para hindi masira o magasgasan ang kasangkapan.
Hindi epektibo kapag mahina o malambot ang materyales ng kisame.

Maglagay ng anti-toppling stopper sa ibabang bahagi ng kansangkapan

Maglagay ng anti-toppling stopper sa ibabang bahagi ng kansangkapan画像
Maglagay ng anti-toppling stopper sa ibabang bahagi ng harapan ng kansangkapan.
Mas epektibo kung sabay na ilalagay ang support poles at anti-toppling stopper.

Iwasan ang pagtalsik ng mga basag na salamin

Iwasan ang pagtalsik ng mga basag na salamin画像
Malaki ang panganib kapag tumalsik sa labas ng mga kubyertos at pinggang nasa loob ng aparador o instante sa oras na mabasag ang salamin ng pinto nito.
Maglagay ng protective film sa salamin, metal catch / brace at iba pa.

本ページに関するお問い合わせ

本ページに関するご意見をお聞かせください

本ページに関するアンケート
本ページの情報は役に立ちましたか?以下の選択肢であてはまるものにチェックを入れてください。
本ページは見つけやすかったですか?以下の選択肢であてはまるものにチェックを入れてください。

区政についてのご意見・ご質問は、ご意見フォームへ。