Kunsultasyon sa pagitan ng pamilya at pagsilong sa alagang hayop
最終更新日:2017年2月24日
ページID:000034140
Kunsultasyon sa pagitan ng pamilya
Mahalagang pag-usapan sa loob ng pamilya ang paraan ng pagkumpirma sa kaligtasan ng bawat isa.
Isagawa ang pagpupulong ukol sa disaster prevention at gawin ang nararapat na paghahanda.

- Ihanda ang emergency / survival kit bag, suriin nang regular ang laman nito at pagpasiyahan kung saan dapat ilagay.
- Kumpirmahin mismo sa sarili kung saan ang hinanjo at hinan-basho sa pamamagitan ng paglakad patungo sa nabanggit na mga lugar.
Saan maaaring magtagpo kapag ang pamilya ay nasa iba’t-ibang lugar sa oras na magkaroon ng malaking lindol?
Malawak ang hinan-basho at maraming tao ang pupunta sa lugar na ito sa oras ng kalamidad.
Pagpasiyahan ang pook-tagpuan sa loob ng hinan-basho (halimbawa: malapit sa toilet, sa tabi ng clock tower, malapit sa palaruan at iba pa). - Gumawa ng sariling Disaster Prevention Card (Bosai Card) at dalhin ito.
Bosai Card (Disaster Prevention Card)
Hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng kalamidad tulad ng lindol at iba pa.
Kailangang isulat ang kinakailangang impormasyon sa bosai card at siguruhing nakahanda ito at maaaring dalhin sa anumang oras.
Sa oras ng kalamidad, dalhin ang bosai card patungo sa pook-silungan.
Hindi lamang sa oras ng kalamidad, mas mabuti kung palagi itong dala o nakalagay sa sariling bag o pitaka.
Isulat din sa bosai card kung may allergy o sakit at kung may mga gamot na regular na iniinom.

Pagsilong sa alagang hayop
Isinasagawa sa Shinjuku Ward ang paglagay ng animal rescue facility sa loob ng hinanjo.
Kung may alagang hayop, kailangang ihanda sa loob ng emergency / survival kit bag ang “pet cage, lead harness”, “pet food, tubig”, “toilet goods”, “household medicines” at iba pa.
Kapag nasugatan ang alagang hayop, kailangang ipagamot ito sa isang animal hospital.
Kailangang tandaan kung saan ang pinakamalapit na animal hospital.
Kakailanganin din ang tulong ng mga kaibigan o kamag-anak na maaaring kumupkop nang pansamantala sa alagang hayop.

本ページに関するお問い合わせ
新宿区 総務部-危機管理課
本ページに関するご意見をお聞かせください
区政についてのご意見・ご質問は、ご意見フォームへ。