Kapag nagkaroon ng lindol: Sa loob ng bahay

最終更新日:2017年2月24日

Mahalaga na laging nakahanda para sa anumang bagay. Kaya kailangang siguruhin palagi kung saan ang ligtas na lugar sa loob ng tahanan. Sa oras na magkaroon ng lindol, maging mahinahon at gawin ang sumusunod.

Protektahan ang sarili

Sa oras na makaramdam ng pag-uga, pumunta agad sa ligtas na panig o bahagi ng bahay o di kaya’y pumailalim sa matibay na mesa at iba pa, humawak sa mga paa ng mesa at siguruhin ang sariling kaligtasan.
Kung may futon o kutson (throw pillows) sa paligid, gamitin ito para protektahan ang ulo.

Patayin ang apoy pagkatapos humupa ang pag-uga.

Siguruhing nakasara ang main valve ng gas at tanggalin ang power plug ng mga kasangkapang de-kuryente (kapag umuuga pa, siguruhin muna ang sariling kaligtasan).

[1] Patayin ang apoy pagkatapos humupa ang pag-uga.
[2] Sa oras na magkaroon ng apoy, maging mahinahon at patayin agad ito.

Paraan upang magamit uli ang gas

Sa kaso ng gas meters na may automatic safety function, mapapansin ang pagkurap ng pulang ilaw sa oras na tumigil ang daloy ng gas. Maaaring gawin ang simpleng paraan upang magamit uli o maibalik sa dati ang daloy ng gas.
[1] Patayin ang lahat ng gas appliances, pati ang mga nasa labas ng bahay.

[2] Tanggalin ang takip ng reset button.



[3] Idiin nang husto ang reset button hanggang sa dulo at dahan-dahang tanggalin ang daliri. Pagkatapos sumindi ng pulang ilaw, mag-uumpisa uli itong kumurap.


[4] Ibalik ang takip at maghintay ng tatlong minutos bago gamitin ang gas. (sa panahong ito ay kinukumpirma kung walang tumatagas na gas).
  Maaaring gamitin ang gas kapag tumigil na ang pagkurap ng ilaw.

Huwag magmadaling lumabas.

Huwag magmadaling lumabas.画像
Huwag magmadaling tumakas patungo sa labas hangga’t hindi humuhupa o tumitigil ang pag-uga. Buksan ang pintuan at bintana sa may labasan (front door) upang magkaroon ng daanan sa paglabas. Kung may panganib na gumuho ang gusali, mag-ingat sa mga bumabagsak na bagay sa oras ng paglisan.

Mag-ingat sa pagkasugat o pagkapinsala.

May panganib na tumalsik ang mga nabasag na salamin mula sa kalapit na bintana. Ihanda ang tsinelas o sapatos at iwasang maglakad nang nakapaa o nakasuot ng medyas lamang.

May panganib na bumagsak sa ulo ang mga lighting fixtures / interiors na nakakabit sa kisame. Bukod pa rito, maaari din na mabuwal o bumagsak ang TV o iba pang kasangkapan. Lagyan ng shatter-proof film ang mga salamin at safety brackets ang mga kasangkapan upang maiwasan ang pagkabuwal.
Mag-ingat sa pagkasugat o pagkapinsala.画像

Alamin ang tamang impormasyon.

Alamin ang tamang impormasyon.画像
Huwag umasa sa usap-usapan o maling balita. Kumpirmahin ang tamang impormasyon sa pamamagitan ng TV, radyo, Internet at iba pa. Bukod pa rito, bigyang-pansin ang automatic broadcasting mula sa Disaster Prevention Radio ng siyudad sa kaso ng Seismic Intensity 5-Low (Shindo 5 jaku) at pataas. Kumpirmahin din ang mga impormasyon mula sa himpilan ng pulisya at bombero.

本ページに関するお問い合わせ

本ページに関するご意見をお聞かせください

本ページに関するアンケート
本ページの情報は役に立ちましたか?以下の選択肢であてはまるものにチェックを入れてください。
本ページは見つけやすかったですか?以下の選択肢であてはまるものにチェックを入れてください。

区政についてのご意見・ご質問は、ご意見フォームへ。