First aid care na dapat alamin
最終更新日:2017年2月24日
ページID:000034135
Hangga’t maaari ay kailangang gawin agad ang first aid treatment sa oras na may nasugatan o napinsala sa mga miyembro ng pamilya o kapitbahay.
Paraan ng pagbigay ng Cardio-Pulmonary Resuscitation (CPR)
Kung may nakitang taong nakabulagta
Kausapin ito habang tinatapik ang balikat.
Kapag walang sagot, makiusap sa sinumang nasa paligid na tawagan ang emergency dial 119, magpadala ng AED device at isagawa ang pagkumpirma sa tibok ng puso nang hindi ginagalaw ang daanan ng paghinga o air passage (tingnan ang galaw ng dibdib at tiyan sa loob ng 10 segundos).

Cardio-Pulmonary Resuscitation (CPR)
Idiin ang palad sa dibdib (chest compression) ng 30 beses kung hindi makumpirma ang normal o regular na paghinga.
Pagkatapos ng chest compression, paluwagin ang daanan ng paghinga at gawin ang mouth-to-mouth resuscitation ng 2 beses.
Pagkatapos nito, gawin uli ang chest compression ng 30 beses at mouth-to-mouth resuscitation ng 2 beses.
Kung may panganib na mahawa o magkaroon ng infection mula sa dugo, suka at iba pa, maaaring itigil ang pagbigay ng mouth to mouth resuscitation at sa halip ay ipagpatuloy ang chest compression.

Pagkapaso
Ibabad sa tubig ng 15 minutos o higit pa ang bahaging napaso para palamigin ito.
Huwag piliting tanggalin ang panloob o medyas, sa halip ay dahan-dahang ibuhos ang tubig sa ibabaw nito.
Dahil madali itong kapitan ng infection, ingatan na hindi matanggal ang langib sa bahaging napaso.

Pagkahiwa
Kung hindi gaanong dumudugo, banlawan itong mabuti ng tubig at lagyan ng gauze bandage.
Pagdurugo
Kapag dumudugo ng husto, tapalan ng gauze bandage o malinis na tela ang sugat at idiin ng tamang lakas.
Kapag hindi mapigilan ang dugo kahit anong gawing pagpigil, idiin ang pressure point na malapit sa puso.

Pagkabali ng buto
Dahil nagkakaroon ng pamamaga kapag nabalian ng buto, kailangang tanggalin ang medyas at buksan o gupitin ang damit.
Gamitin ang magazine, karton, tabla at iba pa bilang brace o splint para ituwid ang apektadong bahagi.
Panatiliing nakahiga at huwag piliting igalaw.

Ang nasa itaas ay simpleng paglalarawan o paliwanag lamang.
Isinasagawa ang emergency aid courses sa bawat lokasyon sa loob ng Tokyo Fire Department.
Makakatanggap ng certificate ang mga sasali sa kurso.
Para sa mga detalye, tingnan ang website ng Tokyo Fire Department http://www.tfd.metro.tokyo.jp/

本ページに関するお問い合わせ
新宿区 総務部-危機管理課
本ページに関するご意見をお聞かせください
区政についてのご意見・ご質問は、ご意見フォームへ。