Pagbigay-saklolo at pagpatay ng sunog
最終更新日:2017年2月24日
ページID:000034139
Pagkatapos masiguro ang sariling kaligtasan, makibahagi sa mga kapitbahay at sa disaster prevention district organizations sa pagbigay-saklolo o tulong sa mga bahay na gumuho.
Pagkumpirma sa kalagayan ng mga kapitbahay
Tumulong sa pagkumpirma sa kaligtasan ng mga kalapit na residente tulad ng mga matatanda na nakatirang mag-isa at mga taong may kapansanan (lalung-lalo na ang mga taong itinakdang dapat bigyan ng prayoridad sa pagtanggap ng tulong sa panahon ng kalamidad) at iba pa.
May kaso na kung saan may mga naipit sa ilalim ng kasangkapan o di kaya’y nakulong sa loob ng bahay na naghihintay ng saklolo.
Kumpirmahin kung may sunog, tumatagas na gas o kuryente.
Kung may nakaharang na bagay sa daanan ng mga emergency vehicles, makipagtulungan sa mga kapitbahay upang tanggalin ito.

Kapag nagkaroon ng sunog
Bago lumaki ang sunog, maaaring pigilin ang pagkalat ng apoy sa paggamit ng fire-extinguisher (mula sa sariling tahanan, kompanya o fire extinguisher na itinatag at pinangangasiwaan ng siyudad ng Shinjuku) o mini-firefighting pumps, early-stage fire-fighting stand-pipe (na itinatag ng Ward Residents’ Disaster Prevention Organization).
Kapag papalapit na ang malaking apoy, lumikas agad sa ligtas na lugar.

Pagsali sa Ward Residents’ Disaster Prevention Organization
Isinasagawa ng siyudad, himpilan ng pulisya at bombero ang iba’t-ibang mga hakbang at gawain base sa lagay ng kalamidad.
Subalit, hindi agad maaaring puntahan ng pamahalaan ang mga apektadong komunidad upang tumulong pagkatapos magkaroon ng isang kalamidad.
Kung kaya, kailangan nito ang suporta ng Ward Residents’ Disaster Prevention Organization na binubuo ng mga miyembro ng Neighborhood Association / Residents’ Association, upang umpisahan ang pagpatay ng apoy, pagbigay-saklolo, pagtulong sa paglisan ng mga residente at iba pang relief activities.
Sumali sa disaster prevention activities ng komunidad upang maging handa sa hindi inaasahang pangyayari at panatiliin ang kaisipang “Protektahan natin ang sarili nating komunidad”.

本ページに関するお問い合わせ
新宿区 総務部-危機管理課
本ページに関するご意見をお聞かせください
区政についてのご意見・ご質問は、ご意見フォームへ。