Kapag humupa na ang lindol
最終更新日:2017年2月24日
ページID:000034137
Hindi na kailangang isagawa ang paglisan kung walang naganap na malaking sunog, pagguho ng mga bahay at iba pang panganib pagkatapos maganap ang isang lindol.
Huwag umasa sa mga usap-usapan o maling balita. Alamin ang tamang impormasyon sa pamamagitan ng Disaster Prevention Radio ng siyudad, pag-uulat sa radyo at iba pa.
Bilisan ang paglisan sa oras na magkaroon ng sunog sa kapitbahay at may panganib na kumalat ang apoy, gumuho ang gusali o di kaya’y may kautusan mula sa siyudad, himpilan ng pulisya, bombero at iba pa.

Saan maaaring lumikas, at sa anong panahon o sitwasyon?
[1] Matapos humupa ang pag-uga, lumikas patungo sa pinakamalapit na parke, bakanteng lote at iba pa, na itinakdang “pansamantalang pook ng pagtitipon” at alamin o subaybayan ang lagay ng pangangasiwa sa kalamidad.
[2] Kapag may panganib na magkaroon ng malaking sunog na maaaring makaapekto sa sariling tirahan, pook ng trabaho at iba pa, lumikas sa itinakdang “hinan-basho”.
[3] Kapag gumuho, nasira o nasunog ang tirahan at hindi makabalik upang mamuhay sa sariling tahanan, lumikas sa itinakdang “hinanjo” (mga gusali ng Elementary School, Junior High School at iba pa).

Pansamantalang pook ng pagtitipon

May pansamantalang pook ng pagtitipon na itinatakda sa bawat Neighborhood Association / Residents’ Association.
Ang pook na ito ay itinakda para sa mga residente ng komunidad na lumikas mula sa kalamidad, kung saan pansamantalang nagtitipun-tipon upang alamin o subaybayan ang lagay ng pangangasiwa sa kalamidad bago pumunta sa hinanjo o sa hinan-basho.
Mula dito ay kailangang lumipat sa hinanjo o di kaya’y sa hinan-basho, depende sa lagay o sitwasyon ng pinsalang natamo.

Hinanjo

Ito ay isang pook-silungan kung saan maaaring lumagi at mamuhay ng pansamantala kasama ng ibang residenteng lumikas din mula sa sariling tirahan sanhi ng pagguho, pagkasira o pagkasunog nito sa naganap na lindol, pagbaha, sunog at iba pang kalamidad.
Nagsisilbi din ito bilang base station para sa pamamahagi ng impormasyon, pagkain at first-aid.

Hinan-basho

Ito ay isang pook-silungan para sa mga residenteng lumikas upang protektahan ang sarili mula sa malaking sunog na dala ng isang malaking lindol.
Itinakda bilang hinan-basho ang malalaking parke, malawak na open space at iba pa.

Sa oras ng paglisan
Isara ang main valve ng gas pati ang breaker ng kuryente.

Idikit ang isang memo sa may labasan ng bahay upang ipaalam ang pook ng paglisan.

Sa oras ng paglisan, maglakad patungo sa pook-silungan.
Pasanin sa likod ang emergency / survival kit (rucksack) at panatiliing libre ang dalawang kamay.

本ページに関するお問い合わせ
新宿区 総務部-危機管理課
本ページに関するご意見をお聞かせください
区政についてのご意見・ご質問は、ご意見フォームへ。