Kapag nagkaroon ng lindol: Sa bayan at mga suburban areas
最終更新日:2017年2月24日
ページID:000034130
Kapag nasa loob ng gusali
Lumayo sa mga bintana at mga lugar na may salamin.
Huwag gamitin ang elevator (kung nakasakay na, pindutin ang numero ng lahat ng palapag at bumaba agad sa palapag na hinintuan).
Maging mahinahon, makinig sa anunsiyo sa loob ng gusali o sundin ang kautusan ng kawaning nangangasiwa sa paglisan.

Kapag nasa daan
Lumayo sa mga pader na gawa sa bloke na madaling gumuho o mga vending machines na maaaring mabuwal at iba pa.
Mag-ingat sa mga karatula at iba pang bagay na maaaring bumagsak.
Sumilong sa pinakamalapit na matibay na gusali o lumikas patungo sa isang malawak na lugar.
Lumayo sa mga show windows ng mga tindahan dahil may panganib na mabasag ang mga salamin.

Kapag nasa underground shopping malls

Huwag makipagsiksikan sa hagdanan o emergency exits sa oras ng paglisan.
Kapag nagkaroon ng blackout o power outage, maging mahinahon at hintaying sumindi ang emergency lights.
Makinig sa anunsiyong ipinamamahagi mula sa mga nangangasiwa ng underground mall at sundin ang anumang pag-uutos.

Kapag nagmamaneho ng sasakyan

Bawasan ang bilis ng takbo ng sasakyan at ihinto sa bandang kaliwa ng daan. Kung may bakanteng lote o parking space na malapit sa kinaroroonan, ilipat ang sasakyan sa lugar na ito.
Iwanang nakapasok ang susi sa loob ng sasakyan sa oras ng paglisan.

Kapag nasa baybayin o tabing-dagat

Kailangang lumikas patungo sa mataas na lugar dahil may panganib na magkaroon ng tsumani.
Kung walang mataas na lugar sa paligid, kailangang lumayo agad sa dagat.
Matapos humupa ang pinakamalaking pag-uga (main earthquake), sinusundan ito ng ilang aftershocks. May kaso din na kung saan ang aftershocks ay halos kasinlakas ng pinakamalaking pag-uga.
Makinig sa anunsiyong ipinamamahagi mula sa mga nangangasiwa ng gusali o underground malls at sundin ang anumang pag-uutos.
Kapag nasa labas ng gusali, lumikas patungo sa malawak at ligtas na lugar (mga parke, baseball fields, malawak na open space at iba pa).

本ページに関するお問い合わせ
新宿区 総務部-危機管理課
本ページに関するご意見をお聞かせください
区政についてのご意見・ご質問は、ご意見フォームへ。